SHABU PARA SA ESTUDYANTE. Naagapan at na-aresto ng PNP ang mga pusher bago nila naibenta ang mga shabu sa mga bata

SHABU PARA SA ESTUDYANTE. Tagumpay na Naagapan at na-aresto ng PNP ang mga pusher bago nila naibenta ang mga shabu sa mga bata sa Maynila.

9.png

Arestado ang limang lalaki matapos silang maaktuhan ng mga pulis na nagpo-pot session sa isang bahay sa Sta. Ana, Maynila.

8.png

Magsisilbi lang sana ng search warrant ang mga pulis laban sa suspek na si Rodiel Gutierrez nang mahuli nila si ito at ang mga kasama sa gitna umano ng pot session.

Agad hinuli ang mga suspek, kabilang na si Gutierrez.

Narekober ng mga pulis ang sandamakmak na nakapaketeng sachet ng hinihinalang shabu, baril, at isang kilo ng marijuana.

7.png

Ayon kay Superintendent Olivia Sagaysay, hepe ng Manila Police District Station 6, posibleng handa na ang mga suspek na ibenta ang mga ilegal na droga sa kanilang mga parokyano, kabilang na sa mga estudyante.

Aminado naman si Gutierrez na binebenta nila ang mga nakapaketeng droga.

Kasong paglabag sa Republict Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa sa limang lalaki.

6.png

 

2018 05 14_SHABU PARA SA ESTUDYANTE. Tagumpay

SOURCE
By Raphael Bosano / ABS-CBN News
5 lalaki na nagpo-pot session, timbog sa Maynila
news.abs-cbn.com/news/05/12/18/5-lalaki-na-nagpo-pot-session-timbog-sa-maynila

Leave a Reply