Tumaas lamang ng 1 milyon ang SALN ni PRRD sa kabilang ng kanyang mahigit na 2.6 milyong sahod noong 2017

Mula sa kanyang nakaraang SALN umangat lamang ang kanyang SALN ng isang milyon sa kabila ng kanyang sahod na P222,278/month o P2,667,336 sa taon 2017 (SOURCE: philstar.com/headlines/2017/01/29/1666462/duterte-gets-salary-increase-p56526)

Eto ang balita ng NEWS5

MANILA, Philippines (May 12, 2018) – Umangat ng higit P1 milyon ang net worth ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte base sa kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa 2017.
32238272_10156369634459910_967543195623751680_n.jpg

Ayon sa SALN ni Pangulong Duterte, idineklara ditong ang total assets ay P28,540,321.07. Ito ay mas mataas ng nasa P1.1 milyon sa kanyang SALN  noong 2016 na P27,428.862.44.

Kabilang sa mga nakadeklara bilang assets sa 2017 SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang mga sumusunod:

  • House and lot sa Gallera de Oro, Bago Aplaya, Maa, Matina Crossing at Buhangin na pawang sa Davao City
  • 1978 Volvo sedan
  • 1996 Toyota Rav 4

Ang cash-on-hand naman ng Pangulo ay may halagang P19,365,321.07.

Dagdag pa dito, may limang properties naman ang nakapangalan sa kanyang anak na si Veronica na nasa Matina Crossing, Bgy. Malagos at Bgy. Catigas sa Davao City.

Ang halagang P800,000 na loan niya kay Samuel Uy, isang negosyante sa Davao, ang tanging liability na nakalagay.

Ang SALN ni Pangulong Duterte ay inilabas ng Office of the Ombudsman dahil sa kahilingan na rin ng media.

SOURCE:
news.tv5.com.ph/breaking/saln-ng-pangulo-net-worth-ni-pres-duterte-noong-2017-umangat-ng-higit-p1-m

Ngunit tila may pinararating ang NEWS5 na iba sa mambabasa nito kaya nagalit ang NETIZENS

Screen Shot 2018-05-14 at 8.02.06 AM.png

Leave a Reply