22 DAYS. Pinaka-matagal na walang aberya sa MRT-3 since 2011, Japan papasok na sa June 2018 para…

22 DAYS. Pinaka-matagal na walang aberya sa MRT-3 since 2011, Japan papasok na sa June 2018 para sa Rehabilitasyon ng MRT-3.

Ayon sa kanila, 3 taon ang aabutin ng rehabilitasyon ng tren, kabilang ang air-conditioning, signaling at power systems nito, gayundin ang mga CCTV, elevator at escalator.

1.jpg

MANILA – Walang naranasang aberya ang MRT-3 sa loob ng nakaraang 22 araw, sinabi ng pamunuan nito ngayong Miyerkoles.

Ito na ang pinakamatagal na walang aberya ang railway, batay sa record mula 2011 o sa loob ng halos 7 taon, ayon kay Aly Narvaez ng MRT media affairs.

Natalo aniya ng kasalukuyang record ang 13 araw na walang aberya na naitala noong 2014.

Dagdag ni Narvaez, umabot sa 18 ang running o umaandar na tren nitong nakaraang linggo. Ito aniya ang pinakamaraming tren simula Nobyembre 2017.

Umakyat ang bilang ng running trains matapos ang pagdating ng bagong spare parts at general maintenance noong Semana Santa.

MRT REHABILITATION 

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes na inaasahan sa Hunyo ang pirmahan para sa rehabilitasyon ng MRT sa tulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Base anila sa inspeksyon ng JICA, halos 3 taon ang aabutin ng rehabilitasyon ng tren, kabilang ang air-conditioning, signaling at power systems nito, gayundin ang mga CCTV, elevator at escalator.

Nagkakahalaga ng P16.9 bilyon ang proyekto at may alok na utang ang Japan para rito, sabi ng DOTr.

2018 05 17_22 DAYS. Pinaka-matagal na walang

SOURCE
By Jekki Pascual / ABS-CBN News
MRT 22 araw nang walang aberya
news.abs-cbn.com/news/05/16/18/mrt-22-araw-nang-walang-aberya

Leave a Reply