PHP 78,000. NA SAHOD. Japan, Taiwan nag-alok ng Trabaho sa Duterte Gov’t para sa mga Pilipino

PHP 78,000. NA SAHOD. Japan nag-alok ng Trabaho sa Duterte Gov’t para sa mga Pilipino

2

1

Daan-daang trabahong may kinalaman sa healthcare ang iniaalok ngayon ng Japan at maaaring apply-an ng mga Pinoy sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Sa abisong ipinalabas ng POEA, naghahanap ng 150 nars at 720 care-workers ang Japan International Corporation of Welfare Services (JICWELS).

Nasa P78,000 ang sahod para sa mga nars habang P73,000 naman sa mga care-worker.

Sa mga nais pumasok sa pagiging nars, kinakailangang maging nursing graduate, may lisensiya, at tatlong taong karanasan sa pagtatrabaho sa ospital.

Para naman sa mga care-worker, maaaring mag-apply kahit ano ang tinapos basta may certificate ng care-giving training mula Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Kailangan ng mga aplikante sa parehong posisyon na sumailalim sa anim na buwang language training, na kailangan naman para sa pagkuha ng exam para sa national license sa Japan.

Ayon kay POEA Deputy Administrator Jocelyn Sanchez, libre ang pagsasanay at may allowance pa.

“Pagtiyagaan natin hanggang matapos natin ‘yong training kasi in the end, reward ito sa ‘yo at kapag nakapasa ka, mas lalaki pa ‘yong suweldo mo,” aniya.

Bahagi ang pagkuha ng mga manggagawa ng government-to-government program kaya makatitiyak umano ang mga aplikante na mapagkakatiwalaan ang mga employer.

Hunyo 1 ang deadline ng aplikasyon sa mga regional office ng POEA habang Hunyo 4 naman sa central office.

Samantala, 80 babaeng factory machine operator naman ang hinahanap ng NXP Semiconductors Taiwan Ltd. sa pamamagitan din ng government-to-government program.

Nasa $700 o halos P36,000 ang sahod at maaaring mag-apply basta nakatapos ng dalawang taon sa kolehiyo.

Hanggang Mayo 23 ang deadline ng aplikasyon.

Hinimok din ni Sanchez ang mga umuwing overseas Filipino worker na sumailalim sa mga libreng pagsasanay ng TESDA para magkaroon ng kakayahan para sa ibang trabaho.

“Kahit na sabihin pang may machine ‘to, kung gusto mong pag-aralan at matiyaga ka, talagang pasok ka maging factory worker,” aniya.

 

2018 05 17_PHP 78,000. NA SAHOD. Japan, Taiwan nag-alok ng

SOURCE
By Zen Hernandez / ABS-CBN News
ALAMIN: Mga trabahong maaaring pasukan sa Japan, Taiwan
news.abs-cbn.com/news/05/16/18/alamin-mga-trabahong-maaaring-pasukan-sa-japan-taiwan

Leave a Reply