CNN PHILIPPINES, pumatol sa fake news

CNN PHILIPPINES, PUMATOL SA FAKE NEWS

 

Tila kinasangkapan ang mainstream media para siraan ang isang Senador na kilalang ka-alyado ni Pangulong Duterte. Isa na dito ang CNN Philippines kung saan nag publish sila ng storya na hindi kumpleto at ni hindi man lang inilagay ang panig ng kabilang kampo.

 

Ang tinutukoy namin ay ang storya di umano ng isang video kung saan sinasabing sinira ang isang forest land sa Boracay para patayuan ng mga building. Sa ginawang artikulo ng CNN Philippines (http://cnnphilippines.com/news/2018/05/16/malay-boracay-villar.html) noong Miyerkules, kinuha lamang nila ang storya sa isang opisyal ng Malay, Aklan na sinasabing ang lupa ay pagmamay-ari ng pamilya Villar. Dahil din pinatulan nila ang storya, naglagay pa sila ng picture ng Senadora.
Screen Shot 2018-05-18 at 7.05.59 PM.png

Screen Shot 2018-05-18 at 11.39.53 AM.png
Screen Shot 2018-05-18 at 11.40.25 AM.png
Screen Shot 2018-05-18 at 11.40.43 AM.png

At para tuloy tuloy lang ang pagbanat, kinabukasan pa nila sinulat ang statement ng Vista Land na tinatangging sa kompanya o sina Senator Cynthia Villar ang nag-utos para alisin ang mga puno.

Habang hindi kumpleto ang storya, pinag pyestahan ng mga dilawan ang post ng CNN Philippines. Isa na dito ang Silent No More PH (facebook.com/silentnomorePH/posts/1652143394905513) na talagang excited na excited na kundenahin si Senadora Villar. Lalo na si Jover Laurio na nasa likod ng Pinoy Ako Blog (facebook.com/pinoyakoblog/videos/2182382018656791/) at tilang siguradong sigurado na talagang si Senator Villar at kaniyang kompanya ang nasa likod ng pekeng video na kumakalat sa social media.

Naglabas naman ng statement Si Senator Cynthia Villar para itanggi ang fake news na pinapakalat ng mga dilaw at mga bayarang writer at editor.

Ayon sa Senadora, “I would like to reiterate and stress that all developments in our Boracay investment have long stopped. As a public servant and chairperson of the Senate Committee on Environment and Natural Resources, I remain committed to protecting and preserving our natural riches, especially in the efforts to rehabilitate Boracay and restore it to its pristine condition. My duty to our nation is primary, above, and separate from my family’s business interests.”

Ganito na talaga ang estilo ng mga dilawan para siraan ang administrasyong Duterte. Pati mga fake news at lumang mga video at photo gagamitin para lang sa kanilang mga kasinungalingan. Kung ginawa lang ng CNN Philippines ang kanilang trabaho, hindi na sana sila nagamit para manira reputasyon ng mga tao.

Leave a Reply